Abdullah ng Saudi Arabia
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Abdullah bin Abdulaziz al-Saud (Arabic: عبد الله بن عبد العزيز آل سعود) (ipinanganak 1924) ay naging Hari ng Saudi Arabia noong Agosto 1, 2005. Dating kilala bilang Kinoronang Prinsipe Abdullah, naupo sa trono pagkatapos ng kamatayan ng kanyang kalahating-kapatid na si Haring Fahd. Bago naging hari, naging de facto regent siya simula noong 1995 nang wala ng kapasidad si Haring Fahd na mamamahala pagkatapos ng kanyang malalang istrok. Pormal na umupo sa puwesto noong Agosto 3, 2005, ngunit namana ang titulo bilang hari pagkatapos ng kamatayan ni Fahd. [1]