Abestrus
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang ostrich o abestrus[1] (Struthio camelus) ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ng Aprika. Ito lamang ang nabubuhay na species ng kanyang mag-anak, Struthionidae, at ng genus na Struthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayrrong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65 km/h (40 mph).
Pinakamalaking nabubuhay na ibon ang mga abestrus at inaalagaan sa maraming sakahan sa buong mundo. Ang pangalang siyentipiko ng abestrus ay galing sa salitang Griyego para sa "kamelyong maya" dahil sa mahabang leeg nito.[2]
[baguhin] Deskripsyon
Karaniwang umaabot sa 90 kg hanggang sa 130 kg (200 to 285 libra) ang timbang ng mga abestrus, bagaman naitalang umabot sa 155 kg (340 libra) ang timbang ng ilang mga lalaking abestrus. Halos itim ang balahibo ng mga matatandang abestrus, ngunit may kulay puti sa balahibo at buntot nito.
Abong-kape at puti ang kulay ng mga babae at mga batang lalaki. Ginagamit sa pagpapares ang maliit na balahibo ng mga lalaki. Nakapagbibigay rin sila ng lilim para sa mga sisiw. Malambot at ginagamit sa insulasyon ang mga balahibo nito, at may pagkakaiba sa matigas na balahibo ng mga lumilipad na ibon. Mayroong mga kuko sa dalawang daliri ng mga pakpak nito.
Walang mga balahibo ang malalakas na binti ng mga abestrus. Nakakatayo ito sa dalawang daliri sa paa, na kamukha ng kuko ng kabayo ang mas malaking daliri.
Sa sekswal na edad nito (dalawa hanggang apat na taong gulang), umaabot sa pagitan ng 1.8 m at 2.7 m (6 talampakan at 9 talampakan) ang tangkad ng mga lalaking abestrus, samantalang umaabot sa pagitan ng 1.7 m at 2 m (5.5 talampakan at 6.5 talampakan) ang tangkad ng mga babaeng abestrus. Sa unang taon ng buhay, umaabot sa 25 sm (10 pulgada) ang laki ng mga sisiw buwan-buwan. Sa isang taon, umaabot sa 45 kg (100 libra) ang timbang ng mga abestrus. Maaaring umabot sa 75 taon ang buhay ng isang abestrus.
[baguhin] Mga sanggunian
- ↑ Calderon, Sofronio G.. (1915). "Ostrich". Diccionario Ingles-Español-Tagalog.
- ↑ Ostrich. Online Etymology Dictionary.
[baguhin] Panlabas na kawing
- Animal Diversity Web
- Bird Families of the World
- Ostrich videos on the Internet Bird Collection
- Ostrich Farming Report on the Wire Worm
- WOC 2006 - XIII World Ostrich Congress
- Honolulu Zoo page on Ostriches
- Kruger Park page on Ostriches
- South African Ostrich Business Chamber