Acetylcholine
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang kompuwestong kimikal na acetylcholine (daglat Ach) ay ang unang neurotransmitter na nakilala. Ang nuerotransmitter na ito ay pinalalabas ng parasympathetic nervous system neurons at ng CNS o central nervous system. Nakapagpapabagal ito ng tibok ng puso.
Ang Acetylcholine ay nabubuo sa ilang piling neurons sa tulong ng enzyme na choline acetyltransferase galing sa compounds na choline at acetyl-CoA. Ang Organic mercurial compounds ay may mataas na atraksyon sa sulfhydryl groups, na tumutulong sa epekto nito sa pagpapawalang bisa ng choline acetyl transferase. Ang pagpapawalang bisa nito ay maaring magdulot ng kakulangan sa acetylcholine na sya namang dahilan ng pagkakaroon ng mga sintomas na depektibong paggalaw ng katawan.