Ad hominem
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Tignan rin ang Listahan ng mga pariralang Latin.
Ang argumentong ad hominem, mas kilala sa tawag na argumentum ad hominem na may pakahulugan sa latin na “argumento laban sa tao” (Ingles: “argument to the man”), ay isang logical fallacy na nagtataglay ng katangian katulad ng pagatake sa personalidad ng nagbibigay ng argumento kaysa sa mismong argumento.
[baguhin] Ang ad hominem bilang fallacy
Ang fallacy na ito ay maaring gumamit ng ganitong kasimpleng porma:
- Ayon kay Juan ang kwan ay ganito;
- gayumpaman si Juan ay isang magnanakaw,
- samakatuwid ang sinasabi niyang ukol sa kwan ay kasinungalingan.
Hindi ibig sabihin na kung magnanakaw si Juan, ay isa na rin siyang sinungalin, at kung magkagayon, maaring ang kaniyang sinasabi hinggil sa “kwan” ay may katotohanan.