Alexander Graham Bell
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Alexander Graham Bell (Marso 3, 1847 – Agosto 2, 1922) ay isang siyentipiko at imbentor. Ipinanganak at lumaki sa Scotland, lumipat siya sa Canada noong 1870, at noong sumunod na taon, sa Estados Unidos.
Kilala si Bell sa paggawa at pag-patent ng telepono. Maliban sa kanyang trabaho sa telekomunikasyon, responsable rin siya sa pag-unlad ng teknolohiyang panghimpapawid at pang-hydrofoil.
[baguhin] Talambuhay
Ipinanganak si Alexander Bell sa Edinburgh noong Marso 3, 1847. Siya ang gitna sa tatlong magkakapatid, pawang mga lalaki. Ang kanyang mga kapatid ang namatay sa tuberculosis. Mga magulang niya si Professor Alexander Melville Bell at si Eliza Grace Symonds Bell. Sa edad na labing-isa, isinama niya sa kanyang pangalan ang Graham, sa admirasyon niya sa kaibigan ng pamilyang si Alexander Graham. Kilala si Bell sa palayaw na "tatay ng mga bingi". Parehong nanay at asawa niya ay bingi, kaya ninais niyang mawala ang kabingihang namamana.