Amerikang Latino
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Amerikang Latino o Latinoamerika ay isang rehiyon sa Kaamerikahan na pangunahin o opisyal na sinasalita ang mga wikang Romans, partikular iyong mga wikang hinango mula sa Latin. Sa kabilang banda, tipikal na sinasalungat ang Latino Amerika sa Anglo-Amerika kung saan Ingles, isang wikang Germanic, ang namamayani.