Aotearoa
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Aotearoa (binibigkas: [aoˌteaˈroa]), ang pangalan ng New Zealand sa wikang Māori na higit na kilala at tanggap.
[baguhin] Salin
Hindi tiyak ang orihinal na paghango sa Aotearoa. Malamang na salin ito ng "Mahabang puting alapaap" (ao = ulap, tea = puti, roa = mahaba). Bagaman, kadalasang sinasalin ito bilang "Ang Lupain ng Mahabang Puting Alapaap", kahit na wala man sa salita na nangangahulugang "ang lupain ng".