Asin
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Tungkol ang artikulong ito sa katagang kimika na asin. Para sa pang-araw-araw na kahulugan, tingnan asin (kondimento) o ang pangunahing sangkap nito, sodium chloride. Para sa bandang Pilipino, tingnan Asin (banda).
Sa kimika, ang asin ay kahit anong ionikong kompwesto na binubuo ng positibong electric charge na mga cation at negatibong naka-charge na anion, sa gayon ang produkto ay nyutral at walang net charge. Maaaring inorganiko (Cl−) ang mga ionong ito, gayon din organiko (CH3−COO−) at ionong monoatomika (F−) at poliatomika (SO42−).
Nabubuo ang mga asin (gayon din ang tubig) kapag may reaksyon ang mga asido at bases.
Tinatawag na mga electrolyte ang mga solusyon ng asin sa tubig. Nagpapadaloy ng kuryente ang mga electrolyte gayon din ang mga tunaw na asin.