Buwaya
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Buwaya | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Crocodylus niloticus (Nile Crocodile) |
||||||||||
Klasipikasyong siyentipiko | ||||||||||
|
||||||||||
Mga genus | ||||||||||
|
Ang buwaya ay reptile na kabilang sa family Crocoylidae (minsan ay nauuri bilang subfamily Crocodylinae). Tinatawag ding buwaya ang mga kabilang sa order Crocodylia gaya ng mga kabilang sa family Alligatoridae (alligator at caiman) at family Gavialidae (gharial).
Ang mga buwaya ay malalaking reptil, mahilig sa tubigan, at matatagpuan sa malaking bahagi ng Tropiko sa Asya, Africa, ang Americas, at Australia. Nahihilig na manirahan ang mga buwaya sa mga ilog na mabagal ang agos at kumain ng iba't ibang uri ng buhay at patay na mga mammal at isda. Ang ilang species, kilala dito ang Crocodylus porosus (Saltwater Crocodile) ng Australia at ng mga pulo sa Pasipiko, ay napag-alamang nakikipagsapalaran sa dagat.
[baguhin] Ibang tawag
Crocodile (Ingles), dapi, dapu (Kapampangan), krokodilyo (Espanyol: cocodrilo), vaya (Ibanag)
Sa wikang Tagalog, parehong tinatawag na buwaya ang krokodilyo at aligeytor. [1]
[baguhin] Taksonomiya ng Crocodylidae
Karamihan sa mga species ay nauuri sa genus Crocodylus. Ang ibang genus naman ng family na ito ay parehong monotypic: Osteolaemus at Tomistoma.
- Genus Crocodylus:
- Crocodylus acutus (American crocodile)
- Crocodylus cataphractus (Slender-snouted crocodile)
- Crocodylus intermedius (Orinoco crocodile)
- Crocodylus johnstoni (Freshwater crocodile)
- Crocodylus mindorensis (Philippines crocodile)
- Crocodylus moreletii (Morelet's crocodile)
- Crocodylus niloticus (Nile crocodile)
- Crocodylus novaeguineae (New Guinea crocodile)
- Crocodylus palustris (Mugger crocodile, Marsh Crocodile, Persian Crocodile)
- Crocodylus porosus (Saltwater crocodile)
- Crocodylus rhombifer (Cuban crocodile)
- Crocodylus siamensis (Siamese crocodile)
- Genus Osteolaemus:
- Osteolaemus tetraspis (Dwarf crocodile)
- Genus Tomistoma:
- Tomistoma schlegelii (False gharial)