Dagat Bering
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Dagat Bering (o Dagat Imarpik) ay isang bahagi ng tubig sa hilaga ng, at hinihiwalay mula sa, hilagang Karagatang Pasipiko sa pamamagitan ng Tangway ng Alaska at Mga Pulo ng Aleutian. Sinasakop ang mahigit na dalawang milyong kilometro kuadrado (775,000 milya kuadrado), napapaligiran ito ng Alaska sa silangan at hilaga-silangan, Siberia sa Rusya at Tangway ng Kamchatka sa kanluran, Tangway ng Alaska at Mga Pulo ng Aleutian sa timog at Kipot ng Bering sa malayong hilaga, na hinihiwalay ang Dagat Bering sa Dagat Chukchi ng Karagatang Artiko. Pinangalan ito mula sa unang puting manunuklas na nakalayag sa mga tubig nito, ang taga-Denmark na nabigador na si Vitus Bering.
Categories: Stub | Dagat