Fernando Poe
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Tingnan ang ibang artikulo: Fernando Poe Jr.
Fernando Poe Production
Si Fernando Poe Sr ay isang Pilipinong Aktor noong bago pa magkadigmaang Pandaigdig. Siya ang ama ng isa pang hari ng aksiyon na si Fernando Poe Jr, Andy Poe at Frederick Poe.
Siya ay ikinasal kay Elizabeth Kelly at ipinanganak noong 1917 at isinilang noong 1917 at nadiskubre siya at niyayang mag-artista.
Una niyang pelikula ay ang Ang Birheng Walang Dambana na nasundan ng isang katatakutang pelikulang Bakas ng Kalansay.
Naging bida siya at iyon ay ang pelikula noong 1937 ang unang bersyon ng Zamboanga. Gumawa rin siya sa X'Otic Pictures at iyon ay ang mga Punit na Bandila, Leron-Leron Sinta at Hatol ng Mataas na Langit.
Noong 1938 ginawa niya ang isang Musikal na Ang Maya kung saan ginamit niya ang sariling boses sa pelikula.
Unang pelikula niya sa LVN Pictures ay ang Giliw ko kung saan nakatambal niya si Mona Lisa na nasundan ng Mabangong Kandungan at kasama rin siyang gumawa ng isang pelikula sa kasagsagan ng Digmaang Hapones ang Liwayway ng Kalayaan.
Taong 1941 ng una niyang itatag ang sarili niyang produksyon ang Palaris Pictures na ang unang pelikula ay Palaris na nagkaroon ng karugtong ang Awit ni Palaris noon namang 1946.
Una niyang idinihe ang Dugo ng Bayan na isang Pelikulang Digmaan at itinatag din niya sa ikalawang pagkakataon ng kanyang sariling produksyon ang Royal Films kung saan pinagbidahan ni Rosa del Rosario ang Darna.
Siya ay namatay dahil sa inpeksiyong dulot ng Rabis.
[baguhin] Pelikula
- 1936 -Ang Birheng Walang Dambana
- 1937 -Bakas ng Kalansay
- 1937 -Zamboanga
- 1938 -Ang Maya
- 1938 -Hatol ng Mataas na Langit
- 1939 -Punit na Bandila
- 1939 -Leron-Leron Sinta
- 1939 -Giliw ko
- 1939 -Hanggang Langit
- 1939 -Mabangong Bulaklak
- 1939 -Biyak na Bato
- 1940 -Dilim at Liwanag
- 1940 -Puso ng Isang Filipina
- 1940 -Dalagang Filipina
- 1940 -Tinig ng Pag-ibig
- 1940 -Alaalang Banal
- 1940 -Datu-Talim
- 1941 -Bayani ng Buhay
- 1941 -Paraluman
- 1941 -Ang Viuda Alegre
- 1941 -Palaris
- 1941 -Puting Dambana
- 1942 -Princesa Urduja
- 1944 -Liwayway ng Kalayaan
- 1946 -Awit ni Palaris
- 1946 -Dugo ng Bayan
- 1946 -Intramuros
- 1947 -Limbas
- 1947 -Hacendera
- 1947 -Anak-Pawis
- 1948 -Callejon
- 1949 -Carmencita Mia
- 1949 -Sagur
- 1949 -The 13th Sultan
- 1949 -Kumander Mameng
- 1950 -Kilabot ng San Nicolas
- 1950 -Bertong Balutan
- 1950 -Kami ang Sugatan
- 1950 -Bella Vendetta
- 1950 -Sigaw ng Bayan
- 1951 -Nanay ko!
- 1951 -Mag-inang Ulila
- 1951 -Anak ko!
- 1951 -Darna
- 1951 -Walang Kapantay