Genghis Khan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Genghis Khan (mga 1162–Agosto 18, 1227) (Siriliko: Чингэс хаан, Чингис Хаан, Чингис хан, Intsik: 成吉思汗), (binabaybay din bilang Chengez Khan sa Turko ,Chinggis Khan, Jenghis Khan, Chinggis Qan, atbp.), ay ang nagtatag ng Imperyong Mongol (Их Монгол Улс), (1206–1368), ang pinakamalaking kumpol na imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Ipinanganak bilang Temüjin (Тэмүүжин,铁木真, Hanyu Pinyin: Tiěmùzhēn), pinagkaisa niya ang mga tribong Mongol at tinatag ang makapangyarihang sandatahang lakas batay sa meritokrasiya, upang maging pinakamatagumpay na pinunong militar sa kasaysayan.