Juan Luna
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong larawan “Spolarium”. Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada. Siya ay ipinanganak noong Oktubre 23, 1857 kina Joaquin Luna at Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos Norte.
Nag-aaral siya sa Ateneneo de Manila, nagpatala bilang mandaragat pero huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta. Pumasok siya Academio de Dibujo y Pintura sa Maynila noong 1876, at nagpunta sa Barcelona noong 1877, doon siya naging propesyonal na pintor noong 1880 noong nipanalo niya ang ginuhit niyang “The Death of Cleopatra”. Nagwagi ito ng pangalawang karangalan sa Eksposisyon sa Madrid. Ito ay binili ng Gobyernong Kastila at ginawang permanenteng exhibit sa Museo Nacional de Pinturas, Salon de Pintures modernas sa Madrid.
Tumanyag ang pangalan ni Luna nang ginawaran ng gintong medalya ang kanyang “Spolarium” sa Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Ito binili rin ng Diputación Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas noong 1886.
Noong Oktubre, 1884, lumipat siya sa Paris kung saan niya ipinagpatulong ang pagpinta. Si Juan Luna ay nagpakasal kay Paz Pardo de Tavera noong 1886 at noong 1894 pagkalipas ng 17 taon napagkawala sa Pilipinas siya ay bumalik. Siya ay napagsuspetsahan na isa sa mga kasangkot sa pagpapasimula ng rebolusyon kaya’t siya ay hinuli at ikinulong. Pinatawad siya ng Espanya noong Mayo 27, 1897.
Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo sa Europa para ipresenta ang panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan. Siya ay inatake sa puso at namatay noong Disyembre 7, 1899 sa Hong Kong.