Lansangang Allenby (Tel Aviv-Yafo)
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Lansangang Allenby (Hibru: רחוב אלנבי, Rẖov Alenbi; Inggles: Allenby Street) ang isa sa mga pangunahing lansangan ng Tel Aviv-Yafo. Ipinangalan ito kay Lord Edmund Allenby.
Nagmumula ang Lansangang Allenby mula sa Dagat Mediterranean sa kanluran at nagtatapos sa Lansangang ha‘Aliyya sa silangan. May higit-kumulang 22 lansangan ang sumasalikop sa Lansangang Allenby. Karaniwang tumatagal ng 45 minuto ang paglakad ng buong kahabaan nito.
Kilala ang Lansangang Allenby sa sari’t sari nitong mga butik, tindahan ng aklat, kainan, at café. Dinarayo rin ang lansangan sa masigla nitong nightlife; hanay-hanay rito ang mga pub at bar.