Livestrong wristband
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Livestrong wristband ay isang dilaw na wristband na binuo ng isang siklista at isang biktima ng kanser na si Lance Armstrong noong tag-araw ng 2004 (panahon sa Estados Unidos). Ang band na ito ay naging bahagi ng "Wear Yellow Strong Education" na programa na may intensyong suportahan ang mga biktima ng kanser at ang mga pinalad na mabuhay o makaalpas sa sakit na ito. Isa rin sa kanilang layunin ang maiparating ang akalaman hinggil sa kanser sa iba. Nabibili ang band na ito ng sampuan, daanan o tag iisang libo at dalawang raan kada pakete. Layon nang pagbebenta ng naturang band ay ang makakalap ng limang milyong dolyar ($5,000,000.00) para sa "Foundation" na itininatag at ipinangalan kay Lance Armstrong. Katulong sa programang ito ay ang Nike. Kung bibilihin ng tingian o isahan ang band na ito, ang kasalukuyang halaga nito sa merkado (sa panahon ng pagkakasulat, 2005) ay $1. Ang dilaw na kulay ng band na ito ay napili dahil sa kaniyang kahalagahan sa propesyonal na pamimisikleta, lalong lalo na sa dilaw na damit na ginamit sa Tour De France. Ang ibang purselas na ginagamit sa kahalintulad na kaparaan ay tinatawag na "awareness bracelets" o "purselas para sa kaalaman". Patuloy pa rin ang pagsikat ng mga ito.
Sa kasalukuyang taon (2005) mahigit na 50 milyong wristband ang naipagbili. Ilan sa mga ito ay naipagbili sa eBay at pinagkakitaan ng ibang tao o grupo, bagay na ikinasama ng loob ni Armstrong.
[baguhin] Panlabas na mga link
- Opisyal na Website ng Lance Armstrong Foundation
- Opisyal na Website ng Live Strong
- Ulat ng CNet ukol sa dayaan ng muling pag-auction ng mga Livestrong band
- Maliit na site ng NIKE Wristband (di-opisyal na site) mula sa vikingkarwur.com