Lungsod ng Bilbao
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Heograpiya > Europa > Espanya > Euskadi > Bizkaia
Ang Bilbao (Espanyol) o Bilbo (Euskara) ay isang lungsod sa hilagang Espanya. Ito ang pinakamalaking lungsod sa Euskadi at ang kapital ng lalawigan ng Bizkaia. Napaparoon ang itong pangunahing pwertong pandagat at sentrong pang-industrya sa ilog Nervión at may mga suburbyo ito hanggang sa Look ng Bizkaia. Ang populasyon ng lungsod ng Bilbao ay 354 000 ayon sa mga tanya noong 2003. Ang populasyon ng lawak urbano ay 935 000 ayon sa mga tantya noong 2000. Ang populasyon ng kalakhan (lawak urbano kasama ng mga bayang nakapaligid) ay 947 000 ayon sa mga tanya noong 2003, humahanay bilang ikaapat na pinakamalaking kalakhan sa Espanya. Nang 2004, si Iñaki Azkuna ang alkalde ng lungsod.
Kamakailan lang ay nagdaan ang lungsod sa isang malakihang pagbabagong urbano na nakasentro sa bagong sistemang metro na dinisenyo ni Sir Norman Foster at, higit sa lahat, ang Museong Guggenheim Bilbao na dinisenyo ni Frank Gehry. Ipinakilala ang isang bagong tram noong 2002. Ang Pwerto ng Bilbao, na dating nasa ilog, ay inilipat at ipinalawak pababang-ilog hanggang sa Look ng Bizkaia. Kasama sa iba pang landmarks ay ang Palasyo Euskalduna at ang tulay pantaong Zubi-Zuri. Isang pangunahing torreng landmark, na didisenyuhin ni César Pelli upang isabubong ang pamahalaang lokal ng Bizkaia, ang ipapatayo at may mga mapag-adhikang balak para buhayin muli ang peninsula sa ilog na kilala bilang Zorrozaurre.
[baguhin] Mga Kawing Panlabas
- Bilboko hiria Udalaren Web Ofiziala, opisyal na portal ng ayuntamyento ng Bilbao
- Metro Bilbao, opisyal na website ng sistemang metro
- Gabay sa Bilbao mula sa Guíabizkaia
- Bilboko Itsadarra Itsas Museoa, Museong pandagat – Wawa ng Bilbao
- http://www.euskalnet.net/anabego/Index.htm, dito maaaring basahin ang kasaysayan atbp. ng Bilbao