Lungsod ng Iruñea
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Iruñea (Kastila: Pamplona) ay ang kabisera ng awtonomong pamayanang Kastila ng Nafarroa. May populasyon ito ng 193 328 habitantes (2005). Ito rin ang sentrong pangfinans at pangnegosyo ng Nafarroa, bukod sa pagiging sentrong pampangasiwaan nito.
Ang Iruñea ay isang mahalagang sentro ng industriya, partikular na sa pagyari ng mga kotse, lakas hangin, kagamitang pangkonstruksyon, metalurhya, papel at graphics arts, at pinrosesong karne.