Lungsod ng Tel Aviv-Yafo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Tel Aviv-Yafo (Hibru: תל אביב-יפו; Arabo: تل ابيب-يافا, Tal Abīb-Yāfā) ay isang lungsod na Israeli sa baybayin ng Dagat Mediterranean. Bahagi rin ang Tel Aviv-Yafo ng isang pangunahing kalakhan sa Israel na kilala bilang Gush Dan.
[baguhin] Kultura
Matatagpuan sa Ramat Aviv sa hilagang Tel Aviv-Yafo ang Pamantasan ng Tel Aviv, ang pinakamalaking pamantasan sa Israel. May mahusay na reputasyong internasyonal ang pamantasan, na tanyag sa kaniyang mga kagawaran ng fiziks, agham pangkompyuter, at kemistri.
Maraming sentrong pangkultura ang Tel Aviv-Yafo, kasama na rito ang Opera House at ang Culture Hall (na may bulwagang pangkonsyertong may 3000 upuan). Marami ring mga theater company at bulwagang panteatro ang Tel Aviv-Yafo, HaBima (“Ang Entablado”) bilang pinakakilala.
Maraming mga museo at galeriyang pansining ang Tel Aviv-Yafo.
- Kilala ang Ereẕ Yisra’el Museum sa malawak nitong koleksyon ng mga eksibisyong arkeolohiko at makasaysaan.
- Ang pangunahing museong pansining sa Tel Aviv-Yafo ay ang Tel Aviv Arts Museum.
- Ang Bate ha’Osef Museum (מוזיאון בתי האוסף) ay isang museo para sa kasaysayang militar ng Israeli Defense Forces. Mataas ang pagturing ng mararaming eksperto at kolektor ng armas sa museong ito, na nagtataglay ng mga madalang eksibisyon at mga awtentikong bagay-bagay mula sa kasaysayan ng Israel pati na rin ng iba’t ibang uri ng firearms at mga retrato.
- Nagbibigay ng walang-katulad na karanasang multimedya ang Palmaẖ Museum malapit sa Pamantasan ng Tel Aviv. Nagtataglay din ito ng malalawak na artsibos na inilalarawan ang buhay ng mga batang (young, hindi child) sundalo na nagsanay nang sarili na sa huli rin ay naging ang mga kauna-unang tagapagtanggol ng Israel.
- Malapit sa hardin ni Charles Clore sa hilagang Yafo, matatagpuan ang isang maliit na museo para sa Eẕel, ang mga sumakop ng Yafo noong Digmaang Pangkalayaang Israeli ng 1948.
- Matatagpuan sa kampus ng Pamantasan ng Tel Aviv ang Diaspora Museum, ukol sa kasaysayang Hudyo saanman sa daigdig. Pinapaliwanag nito gamit ng dokumentasyong makasaysayan at sining kung paano umasenso at pagkatapos inapi ang mga Hudyo sa mga dantaon ng kanilang pagkawalay sa kanilang lupang-tinubuan.
Noong Hulyo 2003, unanimeng ipinahayag ng UNESCO ang Puting Lungsod ng Tel Aviv-Yafo bilang isang World Heritage Site dahil sa malawak nitong pagkataglay ng mga gusali sa internasyonal na estilong Bauhaus, ang pinakamahalagang anyo ng arkitektura ng lungsod.
Idiniriwang sa Tel Aviv-Yafo ang pinakamalaking gay pride parade, na dinarayo ng pahigit 100 000 tao. Kilala rin ang lungsod sa kaniyang napakasiglang nightlife.
[baguhin] Tingnan din
[baguhin] Mga lingk palabas
- Lungsod ng Tel Aviv-Yafo, opisyal na website
- Interaktibo at detalyadong mapa ng lungsod
- Pamantasan ng Tel Aviv
- TimeOut Tel Aviv
- Tel Aviv Insider
- Paliparang Internasyonal Ben Guriyyon
- Paliparang Dov Hoz (Sde Dov)
- Marina Tel Aviv
- Tel Aviv 4 Fun
- Gabay sa Lansangang Dizengoff
- Tel-Aviv ‘Ir Lavana, ang Puting Lungsod ng Tel Aviv-Yafo
- Artikulo ng BBC tungkol sa Puting Lungsod at sa kultura ng Tel Aviv-Yafo
- TelavivE.com, di-Hibrung gabay para sa mga bagong-lipat sa Tel Aviv-Yafo