Malayang nilalaman
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang mga gawa ng malayang-nilalaman ay iyong mga liban sa software na libre ang lisensya sa kaparehong kaisipan na ang libre din ang lisensya ng malayang software. Sa ibang salita, binibigyan na pahintulot ang mga tagapagtanggap, o kalayaan, na gamitin ang nilalaman para sa kung anong layunin, kopyahin ito, baguhin ito, at upang ipamahagi muli ang mga binagong bersyon.
Katulad ng mga lisensya ng malayang software, maaari na maging copyleft ang mga lisensya ng malayang-nilalaman, kung saan pinapahintulot ang pamamahagi ng mga binagong gawa sa ilalim ng orihinal na Libreng lisensya, o di-copyleft. Walang kasalukuyang lisensya ang isang gawa na sakop ng publiko (public domain) (halimbawa, maaari na nasa sakop ng publiko ang isang gawa dahil natapos na ang copyright nito), ngunit kabilang sa maraming mga kahulugan ang ilang gawa na sakop ng publiko bilang malayang nilalaman.
Kabilang sa halimbawa ng mga lisensyang copyleft para sa malayang nilalaman ang Design Science License (DSL) at GNU Free Documentation License GFDL. Ginagamit ng Wikipedia ang lisensya ng GFDL para mga teksto nito.
Kabilang ang ilang ipinalimbag ng Mapanlikhang mga Karaniwan (Creative Commons) sa mga iba pang halimbawa ng mga lisensya ng malayang-nilalaman, kapag di limitado ang komersyal na paggamit at mga hinangong gawa. Tandaan, kahit ganoon, na binibigyan kahulugan ng Mapanlikhang mga Karaniwan ang isang kumpol ng mga lisensya, at di "malayang-nilalaman", katulad ng kahulugan dito, ang lahat ng mga lisensyang iyon.
[baguhin] Tignan din
- Mga karaniwan (Commons)
- Bukas na nilalaman (Open content)
- Sakop ng publiko (Public domain)
- Utilidad pampubliko (Public utility)