Mitolohiyang Griyego
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Binubuo ang mitolohiyang Griyego ng isang malaking bahagi ng mga koleksyon ng mga salaysay na ipinapaliwanag ang pinagmulan ng mundo at dinidetalye ang mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga iba't ibang mga diyos, diyosa, at bayani. Sa una, ipinamamahagi ang mga salaysay na ito sa isang tradisyong tulang-pabigkas; ang ating mga nanatiling pinagkukunan ng mga Griyegong mitolohiya ay mga gawang pang-panitikan ng tradisyon pagbigkas. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga gawang sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.