Oasis ng Kapayapaan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Oasis ng Kapayapaan (Ebreo: נווה שלום, Nwe Shalom; Arabo: واحة السلام, Wāhat al-Salām; Inggles: Oasis of Peace) ay isang baranggay sa Israel, sa pagitan ng Jerusalem at Tel Aviv-Yafo sa rehiyon ng Latrun, na itinatag ng mga Hudyo at Arabong Israeli upang subukang maipakita na maaaring mamuhay nang mapayapa ang dalawang kulturang ito.
Nakuha nito ang pangalan nito mula sa sa Isaías 32.18 na nagsasabing “Maninirahan ang bayan ng Diyos sa isang oasis ng kapayapaan”. Unang iminungkahi ang idea para sa Oasis ni Bruno Hussar, isang Hudyong Egyptian na paring Katoliko, na nagpatayo ng bahay noong 1972 sa paparoonan ng bagong baranggay sa lupang inupa mula sa Trappist Latrun Monastery sa halagang US$25 para sa upa ng 100 taon at naghintay para samahan siya ng mga iba.
Ang baranggay ay kasalukuyang may populasyon ng 184 at may waitlist ng 300 na nagnanais na manirahan dito kapag pinayagan na ito ng pamahalaan na lumawak.
Sa paaralan ng baranggay, tinuturo ang mga klase sa Ebreo at Arabo. Mataas ang bilang ng mga nais magmatrikula dito at taon-taon itong tumatanggap ng daan-daang mga mag-aaral mula sa mga karatig-pook.
Nanomina na ang baranggay nang apat na beses para sa Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan.