Paru-paro
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Paru-paro ay isang uri ng insekto. Sila ay naninirahan sa mga "maiinit" na rehiyon ng mundo. Sila ay may apat na pakpak upang makalipad. Ang kanilang pakpak ay makulay at maganda. Ang ibang uri ng paru-paro ay may makulay na pakpak upang masabi nila na may lason ang katawan nila. Nakukuha nila ang lason noong higad pa sila kung saan kumakain sila ng malalason na halaman. Ang mga higad ay kakain ng kakain hanggang busog at mataba na sila. Pagkatapos ay binabalot niya ang sarii gamit ang mga silk sa kanyang dulo. Nakagawa na ito ng chrysalis. Pagkatapos ng maraming araw, lalabas ang higad na isang paru-paro.