Politika
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang politika ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya para sa mga grupo ng mga tao. Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa pamahalaan, maaari din pagmasdan ito sa lahat ng interaksyon ng grupong pang-tao kabilang ang pang-kalakal, akademya at relihiyoso. Agham Pampolitika ang pag-aaral sa mga gawing pulitikal at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan, i.e. ang kakayahang magpataw ng sariling kalooban sa iba.