Prinsesa Akishino
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Princess Kiko ng Japan (Japanese: 秋篠宮紀子親王妃, Akishino-no-miya Kiko-shinnōhi), pinanganak noong Setyembre 11, 1966 bilang Kawashima Kiko (川島紀子), ay ang asawa ni Prinsipe Akishino, ang pangalawang anak na lalake ni Emperador Akihito at ni Emperatris Michiko. Siya ay anak ng isang propesor at naging pangalawang ordinaryong mamamayang Hapon na tinanggap sa pamilyang imperyal. Ang unang ordinaryong mamamayan na nakapasok sa pamilyang imperyal ay ang kanyang biyenan, ang Emperatris, na pinakasalan ni Akihito noong 1959.