Sayaw
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang artikulong ito ay isa sa mga pahinang nangangailangan ng atensyon. Mangyaring ito ay ituwid sa paraang nararapat. |
Ang sayaw ay pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng galaw ng tao na ginagamit bilang isang anyo ng pagpapahayag ng saloobin o tinatanghal sa isang tagpuang panlipunan, espirituwal, at pangganap.
Ginagamit din ang sayaw upang isalarawan ang pamamaraan ng komunikasyong di pasalita sa pagitan ng mga tao o hayop (sayaw ng mga bubuyog, sayaw ng pagtatalik), paggalaw ng mga di natitinag na bagay (sumayaw ang mga dahon sa hangin), at mga anyong pangmusika. Tinatawag na mga mananayaw ang mga taong sumasayaw at kilala bilang pagsayaw ang akto ng sayaw. Maaari din tawagin na sayaw ang isang pangyayari na ginaganap ang pagsayaw. Tinatawag na koreograpiya ang sining ng paggawa ng sayaw.
Depende ang mga kahulugan na kung ano ang binubuo ng sayaw sa panlipunan, kultural, estetika, artistiko, maka-banal na konsiderasyon at sinasakop nito mula sa may tungkuling galaw (katulad ng sayaw na pantao o folk dance) hanggang sa may code, mga pamamaraan ng virtuoso katulad ng ballet. Sa palakasan, may nilalaman na disiplinang sayaw ang himnasya, figure skating, at tukmang paglalangoy samantala kadalasang hinahambing ang mga sayaw sa sining marsiyal na 'Kata'.