Shah Jahan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Shahbuddin Mohammed Shah Jahan (binabaybay din bilang Shah Jehan, Shahjehan. Persyano: شاه جهان), Enero 5, 1592 – Enero 22, 1666) ay ang pinuno ng Imperyong Mughal sa Indya mula 1628 hanggang 1658. Nanggaling ang pangalang mula sa Persyanong شاه جهان na nangangahulugang "Ang Namumuno ng Mundo". Kilala si Shah Jahan bilang gumawa ng Tāj Mahal, isang dambana para sa kanyang ikalawang asawa, Arjumand Bano Begum, mas kilala bilang Mumtaz Mahal ("Palamuti ng Palasyo") na pinakasalan niya noong Mayo 10, 1612, sa gulang na 20.