Snooky Serna
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Snooky Serna ay isang primyadong aktres ng pinilakang tabing na sumikat noong dekada setenta bilang isang child actress at noong dekada ochenta bilang isa sa mga 'Regal Babies'. Isinilang noong 4 de Abril 1966 sa Maynila sa mag-asawang artista na sina Von Serna at Mila Ocampo, si Snooky ay ipinanganak na 'premature'. Pero awa ng Diyos, nalampasan niya ang kritikal na kalagayan at lumaking isang maganda at mahusay na artista.
Mga nilalaman |
[baguhin] Talambuhay
Apat na taong gulang pa lamang si Snooky nang pinahanga niya ang madla at maging sikat na batang artista sa pelikulang Wanted: Perfect Mother kasama si Boots Anson-Roa. Nasundan pa ito ng mga pelikulang kina-panabikan at kinagiliwan ng mga manonood, at di nagtagal ay napanalunan niya ang Best Child Actress Award ng FAMAS noong 1973 sa pelikulang Sana Mahalin Mo Ako.
Matangkad, maganda at maputi, sa kanyang pagdadalaga, kinontrata siya ng Regal Films noong 1980 at inilunsad bilang isa sa mga orihinal na Regal Babies kasama sina Maricel Soriano, Dina Bonevie, Alfie Anido, Gabby Concepcion, William Martinez, atbp.
Higit na sa pitumpu't-pitong (77) pelikula ang napagbidahan ni Snooky sa kanyang 25 na taon sa pinilakang tabing mula 1970 hanggang 2004. Bukod pa dito ang mga tele-novela at drama anthology as telebisyon. Pinaka-giliwan siya ng publiko sa Blusang Itim. Pinaka-mahusay naman ang pag-arte niya sa Kapag Napagod Ang Puso at Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin.
Tinalikuran niya ang showbiz nuong huling bahagi ng dekada nobenta para na rin mapagtuunan niya ng pamilya bilang ina sa dalawang batang anak na babae, sina Samantha at Saatchi. Pero di rin nagtagal ay kinailangan uli niyang kumayod kaya nag-audition siya sa IBC-13 bilang newscaster at dahil na rin sa galing at talino niya ay siya ang napili. Nabigyan din siya ng assignment bilang isang host ng magazine show na 'Travel and Trade'. Sa mga panahong ito ay may mga alok na sa kanya na maging kabahagi ng ilang tele-nobelas sa ibang istasyon pero kinailangan niyang tanggihan ang mga ito.
Matapos ang kanyang kontrata sa IBC ay malaya nasiyang naka-pili ng gusto niyang pasukang shows at una niyang napili ag 'Habang Kapiling Ka' ng GMA-7. Hindi siya nagkamali dahil naging maganda ang kanyang ginampanan dito at di nagtagal ay napansin siya ng PMPC Star Awards at naparangalan siya bilang Pinaka-mahusay ng Aktres sa Drama sa Telebisyon. Tapos noon ay sa ABS-CBN naman siya namayagpag bilang ina ni Claudine Baretto sa top-rating na 'Marina'.
[baguhin] Filmograpiya
Telebisyon
- 2006 - Captain Barbell (TV Series-GMA-7) .... as Mrs. B
- 2005 - Maalaala Mo Kaya - 'Mariposang Dagat' (TV Episode-ABS-CBN-2).... as Magdalena
- 2004 - Marina (TV Series-ABS-CBN-2) .... as Esther Sto. Domingo
- 2003 - Habang Kapiling Ka (TV Series-GMA-7) .... as Olivia
- 2003 - Magpakailanman - 'Life Story of Snooky'(Episode-GMA-7).... portrayed by Angelika de la Cruz
- 2003 - Magpakailanman - 'Mga Mata ???' (TV Episode-GMA-7) ... as
- 2002 - Kay Tagal Kang Hinintay (TV Series-ABS-CBN-2).... as Maida Ventaspejo
- 2001 - Travel & Trade (Weekly Magazine Show-IBC-13).... host
- 2000 - Express Balita (Main Afternoon Newscast-IBC-13) .... news anchor
- 1997 - Mula Sa Puso (TV Series-ABS-CBN-2).... as Criselda Pereira
- 1989-92 - Regal Drama Presents: Snooky (Weekly Drama Anthology-ABS-CBN-2) .... varied roles
- 1987-89 - Always, Snooky (Musical Variety Show ABS-CBN-2) .... host/performer
Pelikula
- 2004 - Anak Ka Ng Tatay Mo .... as
- 2003 - Captain Barbell .... as Belen
- 2001 - Marital Rape
- 1997 - Paano Kung Wala Ka Na
- 1995 - Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (Harvest Home).... as Clarita
- 1994 - Koronang Itim .... as
- 1994 - Machete 2 .... as Lai
- 19?? - Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?
- 1992 - Lacson, Batas ng Navotas
- 1991 - Joey Boy Munti, 15 anyos ka sa Muntilupa .... as Stella
- 1991 - Madonna, Ang Babaeng Ahas .... as Melinda/Madonna
- 1990 - Hahamakin Ang Lahat (All Be Damned) .... as
- 1990 - Kahit Isumpa Mo Ako
- 1989 - Aabot Hanggang Sukdulan .... as Agnes
- 19?? - Lilac
- 19?? - Rosa Mistica .... as Roselyn/Rosa/Rosing/Rosanna
- 1989 - Mga Kuwento ng Pag-Ibig
- 1988 - Sa Puso Ko Hahalik Ang Mundo
- 1988 - Stupid Cupid
- 1988 - Lord, Bakit Ako Pa? .... as Merriam
- 198? - Blusang Itim .... as Jessa
- 1987 - Kapag Napagod Ang Puso ....
- 19?? - Story of Three Loves
- 1986 - The Graduates
- 1986 - Payaso (aka The Clown)
- 19?? - Forward March .... as Kristie
- 1986 - Yesterday, Today & Tomorrow
- 1985 - Zuma .... as Galema
- 1985 - Ride on Baby
- 19?? - Where Love Has Gone
- 1984 - Experience
- 1984 - Anak ni Waray, Anak ni Biday
- 1984 - Teenage Marriage
- 1984 - Daddy's Little Darling
- 1983 - Stranger in Paradise
- 1983 - Hello, Young Lovers
- 1983 - Daddy Knows Best
- 1983 - To Mama With Love
- 1982 - Santa Claus Is Coming to Town
- 1982 - Schoolgirls
- 1982 - Mother Dear
- 1982 - My Heart Belongs to Daddy
- 1981 - Age Doesn't Matter
- 1981 - Bata Pa Si Sabel .... as Sabel
- 1980 - Underage .... as Corazon
- 1977 - Tahan Na, Empoy, Tahan (aka Stop Crying Little Boy)
- 1972 - Sana Mahalin Mo Ako
- 1972 - Isinilang Ang Anak ng Ibang Babae
- 1971 - My Heart Belongs to Daddy
- 1970 - My Little Angel
- 1970 - Twinkle, Twinkle, Little Star
- 1970 - Wanted: Perfect Mother
[baguhin] Mga Parangal
Taon | Pelikula o Teleserye | Award | Categorya | |
---|---|---|---|---|
2003 | Habang Kapiling Ka (TV) | PMPC Star Awards for TV | Best Drama Actress in a TV series | TV |
1994 | Koronang Itim | FAMAS | Best Performance by Lead Actress | Film |
1990 | Hahamakin Ang Lahat (Film) | PMPC Star Awards | Best Performance by Supporting Actress | Film |
1972 | Sana Mahalin Mo Ako | FAMAS | Best Child Performer | Film |
[baguhin] Mga Nominasyon para sa TV
Taon | Tv Show | Nominasyon | Categorya | Remark |
---|---|---|---|---|
2003 | Habang Kapiling Ka | PMPC Star Awards for TV | Best Drama Actress in a TV series | won |
1990 | Regal Drama Presents: Snooky | PMPC Star Awards for TV | Best Drama Actress in a TV series or anthology | - |
1989 | Regal Drama Presents: Snooky | PMPC Star Awards for TV | Best Drama Actress in a TV series or anthology | - |
1988 | Always, Snooky | PMPC Star Awards for TV | Best Musical Variety Show Host | loss to Vilma Santos |
1987 | Always, Anooky | PMPC Star Awards for TV | Best Musical Variety Show Host | loss to Vilma Santos & Nora Aunor |
[baguhin] Mga Nominasyon Para sa Pelikula
Year | Film | Nominations | Category | Remark |
---|---|---|---|---|
2004 | Anak Ka Ng Tatay Mo | Manila Fim Festival | Lead Actress | loss to Nora Aunor (Naglalayag) |
2003 | Captain Barbell | Metro Manila Film Festival | Supporting Actress | - |
1995 | Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (Harvest Home) | Film Academy of the Phil.; FAMAS | Lead Actress | 1995 Official Phil.Entry to the Oscars |
1994 | Koronang Itim | FAMAS | Lead Actress | WON |
1991 | Madonna, Ang Babaing Ahas | ??? | Lead Actress | - |
1990 | Hahamakin Ang Lahat | PMPC Star Awards | Supporting Actress | WON |
1989 | Aabot Hanggang Sukdulan | FAMAS | Lead Actress | - |
1988 | Kapag Napagod Ang Puso | Urian; PMPC Star; FAMAS; FAP | Lead Actress | - |
1987 | ?? | ?? | ?? | ?? |
1986 | Yesterday, Today & Tomorrow | ??? | Supporting Actress | - |
1972 | Sana Mahalin Mo Ako | FAMAS | Child Performer | WON |
1970 | My Little Angel | FAMAS | Child Performer | loss to Roderick Paulate |