Teknolohiya
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang teknolohiya (Griyego τεχνολογια < τεχνη "kasanayan sa sining" + λογος "salita, pagtutuusin" + ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong.
Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.
[baguhin] Teknolohiya sa idelohiya
Kadalasan kapag sinabing bago, lalo itong mabuti sa teknolohiya at mga lipon ng inhinyeriya. Ang kuro ng nakalaang teknolohiya na sumulong noong ika-20 siglo na isinalarawan ang katayuan kung saan di kanais-nais gamitin ang pinakabagong teknolohiya o iyong mga nangangailangan ng daan sa mga ilang sentralisadong infrastructure o bahagi o kasanayan na inangkat sa ibang dako. Nanggaling ang kilusang eco-village dahil sa ganitong hinaing. Tinutukoy ng teknolohiyang intermediate, mas tinatalakay sa ekonomiya, ang kompromiso sa pagitan ng sentral at mahal na teknolohiya ng mga bansang nakasulong at iyong mga bansang sumusulong pa lamang na hinahanap ang pinakamabisang pamamangalat ng sobrang trabaho, at di kasapatan ng salapi. Sa pangkalahatan, palagiang "intermediate" ang "nakalaang" teknolohiya.
Kasalungat naman ang mga palagay na itinataguyod ng transhumanismo, posthumanismo, technological singularity, na sama-samang isinasalarawan bilang "Cosmist" na pananaw ni Hugo de Garis. Sa idelohiyang ito, isang mabuting moral ang pagsulong ng teknolohiya. Nakikita ang idelohiyang ito bilang sintomas ng syentisimo at mathematical fetishism ng mga taong gumagamit ng katagang ito. Tinatanggap din ng iba na sintomas ito ng paniniwala sa kapitalismo.
Sa ekonomiya, kadalasang magkakaugnay sa isa o higit pa sa nabanggit na kuro sa itaas ang kahulugan ng progreso o paglago. Naidala sa mga kaisipang di maka-ekonomiyang paglago o pagsukat sa well-being ang paghamon sa namamayaning kuro tungkol sa teknolohiya at kanyang kabuluhan.
[baguhin] Kaisipan sa teknolohiya
- Technological singularity
- Prinsipyong pag-iingat
- Istratehiya ng teknolohiya (ma-stratehiyang gamit ng mapagpaunang teknolohiya)
- Teknokapitalismo
- Lumilitaw na pilosopiya
- Transhumanismo
- Posthumanismo
- Teknolohiyang intermediate
- Nakalaang teknolohiya
- Paglipat ng teknolohiya
- Lifecycle ng teknolohiya
- Modelo sa pagtanggap sa teknolohiya
- Internet
- Komunikasyon