Thaksin Shinawatra
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Thaksin Shinawatra (Thai: ทักษิณ ชินวัตร; ipinanganak Hulyo 26, 1949), isang politikong Thai, ay ang pinatalsik na punong ministro ng Thailand at ang pinuno ng partidong Thai Rak Thai. Noong Abril 4, 2006, pagkatapos ng mga protesta sa kanyang mga polisiya, mga bintang sa korupsyon at isang maagang halalan, ipininahayag niya na bababa siya sa puwesto bilang Punong Minstro, sa kabila ng inuulat na pagkapanalo sa 54% ng mga boto sa halalan sa nagdaang tatlong araw.
Ngunit sa isang kudeta na isinagawa ng ilang kasapi ng militar sa Thailand na may katapatan sa hari ay napatalsik si Thaksin habang ang huli ay dumadalo sa punong himpilan ng Nagkakaisang Bansa sa New York City upang magtalumpati sa harap ng General Assembly nito nuong Setyembre 19, 2006.