Tirang Parthian
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang tirang Parthian ay isang taktik na ginamit ng mga Persian na mangangabayo. Magkukunwaring sumusuko na nang patakas ang mga mangagabayo tapos ay biglang ititira ang kanilang mga pana sa humahabol na kalaban. Matagumpay na ginamit ng Parthians at ng iba pang kabihasnang Persian ang taktik na ito sa pamamagitan ng malawak na paggamit ng cavalry upang lansangin, guluhin, ligaligin, pinsalain, at patayin ang mga kalaban.
Ngayon ginagamit ang pariralang “tirang Parthian” (kung saan humango ang Inggles na “parting shot”) upang tumukoy sa anumang kahuli-hulihang hostile na akto ng agresyon, tulad ng insulto o paghihiganti, na inilalabas o ipinapakita kapag paalis na. Hindi itinuturing na marangal ang gawain o asal na ito.
Categories: Stub | Militar | Lipunan