Toreng Petronas
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Toreng Petronas o Kambal na Toreng Petronas, na nasa lungsod ng Kuala Lumpur, Malaysia, ay minsan naging pinakamataas na gusali sa buong mundo kung susukatin ang haba nito mula sa pasukan nito hanggang sa pinakatuktok nito.
Ang Toreng Petronas ay ang pinakamataas na kambal na tore sa daigdig, at sinasabi nila na sila ang pinakamataas na gusali ng ika-20 dantaon.
[baguhin] Kasaysayan
Ang mga toreng ito, na dinesenyo ni Arkitekto César Pelli, ay natapos noong 1998 at naging pinakamataas na gusalli sa daigdig sa araw ng kanyang pagkakabuo. ang 88 palapag na tore ay binuo karamihan ng mga konkreto, na may bakal at salamin facade na dinesenyo para humalo ang istilo na makikita sa sining ng Islam, na nagpapakita sa relihiyon ng Malaysia. Ito ay itinayo sa karerahan ng Kuala Lumpur. Dahil sa lalim ng bedrock, ang gusali ay itinayo sa pinakamalalim na pundasyon sa buong mundo. ang 120 metrong pundasyon ay ginawa ni Bachy Soletanche, at kinailangan ng maraming konkreto.
[baguhin] Mga Umuukupa sa Tore ng Petronas
Ang Unang Tore ay okupado halos lahat ng Kumpanya ng Petronas at ilan sa kanyang mga subsidiaries at mga kumpanyang associates. Ang mga espasyong pang-opisina sa Pangalawang Tore ay halos libre para ukupahan ng ibang mga kumpanya. Marami-rami ding mga kumpanya ang may opisina sa Pangalawang Tore, kasama na ang Accenture, Al Jazeera sa Ingles, Bloomberg, Boeing, IBM, Khazanah Nasional Berhad, McKinsey & Co, Microsoft, Newfield Exploration,Exact Software at Reuters.
[baguhin] Iba pang pasilidad
Liwasang KLCC Sa labas ng gusali ay may liwasan na may daanan para mag-lakad at mag-jogging, fountain na may mga ilaw, wading pools, at palaruan para sa mga bata.
Ang Suria KLCC ay isa sa pinakamalaking mall sa Malaysia. Ito ay inuukupahan ng mga kilalang mga boutique na nagmula pa sa iba't ibang bansa. Ang mga halimbawa nito ay ang Dolce and Gabbana, Seven Jeans, Cacharel, Chloé and Roberto Cavalli.