Tsunami
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang tsunami ay mga sunod-sunod na alon na nabuo kapag ang isang bahagi ng tubig, tulad ng karagatan, ay mabilis nabago ng malakihan. Ang mga lindol, malaking pagkilos ng tubig, sa ibabaw man o sa ilalim, pagputok ng bulkan at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng kometa at pagsusubok ng mga kagamitang nukleyar sa karagatan ay maaaring makabuo ng tsunami. Ang epekto ng tsunami ay maaaring hindi mapapansin o maging napakalala.