Turismo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang turismo ay maaaring ipakahulugan bilang isang akto ng paglalakbay para sa layunin ng rekreasyon, at ang paghahanda ng serbisyo para dito. Tinatawag na turista ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo mula sa kanyang tirahan, ito ang kahulugan ng World Tourism Organizaion (isang katawan ng Mga nagkakaisang Bansa).
Industriyang Serbisyo ang mas kumpletong kahulugan ng turismo, kinabibilangan ang mga ilang nahahawakan at di-nahahawakang sangkap. Kabilang sa mga elementong nahahawakan ang mga sistema ng transportasyon - himpapawid, riles, kalye, pantubig at ngayon kalawakan; serbisyong maasikaso - akomodasyon, pagkain at inumin, palilibot, mga subenir; at iba pang kaugnay na serbisyo katulad ng pagbabangko, seguro at kaligtasan & kapatanagan. Kabilang naman sa mga di-nahahawakang elemento ang pamamahinga, kultura, pagtakas, adbentura, bago at lumang karanasan.