Wikang Novial
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Novial [nov-, bago + IAL, Internasyonal na Wikang Auksilyar] ay isang ginawang wika na inimbento ni Propesor Otto Jespersen, isang linggwistikong Danes na dati ay nagsangkot sa kilusang Ido. Inimbento niya ang Novial para maging isang internasyonal na wikang auksilyar (Ingles: international auxillary language), na magtutulong sa internasyonal na komunikasyon at pagkakaibigan, pero hindi titinagin ang katutubong wika ng sinuman.
Ang talasalitaan ay sa kalakihan naka-base sa mga wikang Germanic at Romance at ang balarila ay inimpluensya ng Ingles.
Ang pinakaunang pagpapakilala ng Novial ay sa aklat ni Jespersen, An International Language in 1928, na may palit sa kanyang diksyonaryo, Novial Lexike, na pinalimbag pagkatapos ng dalawang taon. Mga sumusunod nma pagpalit ay minungkahi noong mga dekadang 1930, pero dahil sa kamatayan ni Jespersen noong 1943, naging inaktibo ang wikang ito, pero noong mga dekadang 1990, kasama ng pagbubuhay ng interes sa mga artipisyal na wika na dinala ng Internet, diniskubre ulit ng alinmang tao ang Novial.