Zheng He
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Zheng He (Tradisyunal na Intsik: 鄭和; Pinapayak na Intsik: 郑和; Hanyu Pinyin: Zhèng Hé; Wade-Giles: Cheng Ho; Pangalan pagkapanganak: 馬三寶 / 马三宝; pinyin: Mǎ Sānbǎo; Pangalang Arabo: Hajji Mahmud) (1371–1433), ay ang pinakakilalang Intsik na marino at eksplorador. Kolektibong tinatawag ang kanyang mga paglalayag bilang ang mga paglalakbay ng "Eunuch Sanbao sa Kanlurang Karagatan" (三保太監下西洋) o "Zheng He sa Kanlurang Karagatan", mula 1405 hanggang 1433.