Alibata
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit ng baybayin, tignan ang baybayin (paglilinaw).
Ang baybayin o alibata ay isang katutubong paraan ng pagsusulat noong bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas. Pinaniniwalaang ito ay ginamit noong ika-14 siglo. Ginagamit pa rin ito sa ilang bahagi ng Mindoro at Palawan para mapanatili ang kultura. Itinuturo rin ang alibata bilang paksa sa wikang Filipino sa mga ilang paaralan sa Pilipinas.
Nagamit na din ang alibata sa ilang pelikulang Pilipino at palabas sa telebisyon, halimbawa nito ay ang Sugo na pinapalabas sa GMA7