Web Analytics

See also ebooksgratis.com: no banners, no cookies, totally FREE.

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Pilipinas - Wikipedia

Pilipinas

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines
Watawat ng Pilipinas Sagisag ng Pilipinas
Watawat Sagisag
Motto: Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa
Pambansang awit: Lupang Hinirang
Lokasyon ng Pilipinas
Kabisera Maynila
14°35′ N 121°0′ E
Pinakamalaking lungsod Lungsod Quezon
Opisyal na wika Filipino at Ingles*
Pamahalaan Unitaryong pampanguluhang republika
 - Pangulo Gloria Macapagal Arroyo
 - Pangalawang Pangulo Noli de Castro
Kalayaan mula sa Espanya at Estados Unidos 
 - Idineklara Hunyo 12, 1898 
 - Pansariling pamahalaan Marso 24, 1934 
 - Kinikilala Hulyo 4, 1946 
 - Kasalukuyang saligang batas Pebrero 2, 1987 
Lawak  
 - Kabuuan 300,000 km² (72nd)
  115,831 sq mi 
 - Tubig (%) 0.6
Populasyon  
 - Taya ng 2006 85,236,913[1] (Ika-12)
 - Sensus ng 2000 76,504,077
 - Densidad 276/km² (Ika-42)
715/sq mi 
GDP (PPP) Taya ng 2005
 - Kabuuan $453 billion (Ika-25)
 - Per capita $4,923 (Ika-102)
HDI (2006) 0.763 (Ika-84) – medium
Pananalapi Piso ng Pilipinas (PHP)
Sona ng oras PST (UTC+8)
Internet TLD .ph
Kodigong pantawag +63
* Ang Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray, Kapampangan, Pangasinan, Kinaray-a, Maranao, Maguindanao, Tagalog, at Tausug ay ang mga auksilar na wikang opisyal sa kanilang sariling rehiyon. Ang Kastila at Arabo ay itinataguyod sa isang opsyonal at boluntaryong batayan.

Isang kapuluang bansa ang Pilipinas (opisyal: Republika ng Pilipinas). Mayroon itong higit kumulang 7,107 na mga pulo. Matatagpuan ito sa rehiyong tropikal ng kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko at 100 kilometro ang layo nito sa kontinente ng Asya.

Naging maimpluwensya sa kultura ng bansa ang pagsakop ng mga bansang Espanya (1565-1898) at Estados Unidos (1898–1946). Nagdulot ang mga ito ng pamamayani ng Katolisismo at mga ugaling Kanluranin sa kasalukuyang kultura nn Pilipinas.

Kabilang dati ang Pilipinas sa mga pinakamaunlad na bansa sa Asya. Ngunit dahil rin sa malawakang katiwalian sa pamahalaan na nagdulot ng mahinang paglago ng ekonomiya, nalampasan na ito ng mga karatig-bansa. Sa kasalukuyan, nakararanas ng katamtamang pag-unlad ang bansa. Dulot ito ng pamumuhunan panlabas at ng perang nagmumula sa mga Pilipinong namamasukan sa ibang bansa.

Isa sa mga pinakaumuunlad na sektor ng ekonomiya ang teknolohiyang pang-impormasyon. Marami ring puhunan ang pumapasok dahil sa mababang pasahod ng mga manggagawa (ngunit di hamak na mas mataaas kaysa sahod sa Tsina).

Ang mga grupong separatistang Muslim Moro Islamic Liberation Front sa katimugang Mindanao, at ang komunistang NPA (New People's Army) na matatagpuan sa mga lalawigan, pati na rin ang pagkasira ng kalikasan dulot ng pagtotroso at polusyon sa dalampasigan ang mga pangunahing problema ng bansa.

Dumaranas ang bansa ng overpopulation dahil sa mataas na panganganak. Ang di pagkakasundo ng pamahalaan at ng Simbahang Katoliko sa mga usapin ng birth control (contraceptive, sterilization atbp.) o (abstinence at spacing) ang itinuturong dahilan nito.

Matatagpuan sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Pinapalibutan ito ng Dagat ng Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzón sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang Taiwan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Pilipinas

Ayon sa talang fosil ng tao, ang Pilipinas ay maaaring tinitirhan na ng ilang libong taon. Ang kanyang katutubong populasyon, na pangkalahatang tinatawag na Negrito o Ita, ay tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa o yelo at sa kalaunan ay pumirme sa kagubatan ng mga isla. Ang ibang mga migrante mula sa Peninsula ng Malay at kapuluan ng Indonesia, at yung mga taga Indotsina at Taiwan, ay lumagi rin noong pag-ikot ng unang milenyo.

Ang mga mangangalakal na Tsino ay dumating noong ikawalong siglo. Ang paglakas ng mga kahariang Budista sa rehiyon ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng Kapuluang Indonesia, India, Hapon, at Timog-silangang Asya. Subalit ang mahigpit na kompetisyon at pag-aaway ng mga paksyon sa mga kaharian ng Timog-silangang Asya ang mismong nagpahina rin sa kanila. Samantala, ang paglaganap ng Islam sa pamamaraan ng komersyo at proselitismo, tulad ng Kristyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at misyonero sa rehiyon; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na siglo. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes (Ferdinand Magellan) noong 1521, mayroon nang mga rajah hanggang sa hilaga ng Maynila, na ayon sa kasaysayan ay naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, ang mga isla ng Pilipinas noon ay pawang mga nagsasarili.

Sinakop at inangkin ng mga Kastila ang mga pulo noong ika-16 na siglo at pinangalanan itong "Islas Filipinas" na isinunod kay Haring Felipe II. Kaagad na ipinakilala at pinalaganap ang Katolisismo sa pamamagitan ng mga misyonero, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga grupong katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Moro na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong siglong pananakop, bunga na rin ng pag-aabuso at kakulangan ng reporma. Ang bagong teritoryo ay pinamahalaan mula sa Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ay Mehiko) at nagsimula ang kalakalan sa Galeon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 siglo.

Itinatag ni Gobernador José Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Economic Society of Friends of the Country, "Samahang Pang-ekonomiya ng mga Kaibigan ng Bayan") at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Nueva Espanya.

Nagbukas ang ekonomiya ng bansa sa mundo noong ika-19 siglo. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burgis, binubuo ng mga edukadong katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng kolonyalismong Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa Kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sila ay sama-samang sumigaw para sa kalayaan. Inaresto, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan [na ngayo'y Luneta] dahil sa umano'y mga akto ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim na rebolusyonaryong lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng rebolusyon ang mga Kastila noong 1898.

Noong taong ding yon, magkadawit ang Espanya at Estados Unidos sa Digmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga kolonyang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong ang noon Pilipinas ay nakapag-deklara na ng kalayaan.

Ang pagtanggi ng Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Ang kalayaan sa wakas ay ipinagkaloob noong 1946 pagkatapos ng maikling pananakop ng bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang mga sumunod na taon ay taon ng pagbawi at muling pagbangon pagkatapos ng giyera, ng karahasan sa sibilyan dulot ng diktadurang Ferdinand Marcos na napatalsik noong 1986, at ng patuloy na suliraning dulot ng komunista at separatistang Moro.

[baguhin] Pulitika

Pangunahing artikulo: Pulitika ng Pilipinas

Pambansang Pamahalaan: Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa Sistemang Amerikano, ay natatag bilang Republika ng mga Kinatawan. Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang Pinuno ng Estado at pati ng Pamahalaan. Siya rin ang Commander-in-Chief ng Hukbong Sandatahan. Nailalagay ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang Pangkalahatang Halalan at manunungkulan siya sa loob ng 6 na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa Gabinete.

Ang Palabatasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga miyembro ng dalawang kamarang Palabatasang Pilipino, ang Kongreso, binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular.

Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na Senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 na taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang Senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.

Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababa sa 225 Kinatawan.

Ang sangay Panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Katataastaasang Hukuman, ang Punong Mahistrado(chief justice) ang lider nito at may 14 na Kasamang Mahistrado(associate justices), lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro.

Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampolitika na kung tawagin ay Impeachment.


Ugnayang Panlabas: Ang Pilipinas ay ang prominenteng kasapi at isa sa tagapagtaguyod ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito rin ay isang aktibong tagalahok sa Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation), isang kasapi ng Grupo of 24 (Pangkat ng 24) at isa sa 51 mga bansang nagtatag sa United Nations (UN; Nagkaisang mga Bansa) noong Oktubre 24,1945.

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa isang pagtatalo sa mga bansang Taiwan, Tsina, Vietnam at Malaysia patungkol sa kung sino ang tunay na may-ari ng Spratly Islands na mayaman sa langis at petrolyo natural. Ito rin ay may di pagkakaunawaan sa bansang Malaysia sa usaping Sabah. Sinasabing binigay ng Sultan ng Brunei ang teritoryo ng Sabah sa Sultan ng Sulu, pagkatapos nitong tumulong sa pagkawasak ng isang rebelyon doon. Iyon ang nagbigay karapatan at poder sa pamahalaan ng Pilipinas na angkinin muli ang kanyang nawalang lupain. Hanggang ngayon, nakakatanggap ang Sultan ng Sulu ng pera para sa "renta" sa lupa mula sa Pamalahaang Malaysia.

Silipin din:

[baguhin] Mga rehiyon at lalawigan

Mga rehiyon at lalawigan ng Pilipinas
Mga rehiyon at lalawigan ng Pilipinas

Pangunahing artikulo: Mga Rehiyon at Lalawigan ng Pilipinas

Pamahalaang Lokal. Ang Pilipinas ay nahahati sa isang hierarchy ng mga yunit ng pamahalaang lokal (local government units o LGU). Ang mga lalawigan o probinsya ang prinsipal na pangkat. Hanggang 2002, mayroong 79 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nahahati pa sa mga lungsod (lungsod) at bayan (munisipalidad), na binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat lokal ng pamahalaan. Ang lahat ng mga probinsya ay nalulupon sa 17 rehiyon para sa kadaliang administratibo. Karamihan sa mga ahensya ng pamahalaan ay nagtatayo ng opisinang rehiyonal para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga rehiyon sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang lokal, maliban sa Muslim Mindanao at Cordillera, na autonomous.

Tumungo sa mga artikulo ng mga rehiyon at mga lalawigan para makita ang mas malaking mapa ng mga lokasyon ng mga rehiyon at lalawigan.

[baguhin] Mga Rehiyon

Luzon

Visayas

Mindanao


¹ Ang mga pangalan ay nasa malalaking titik sapagkat ang mga ito ay acronym na naglalaman ng mga pangalan ng sinasakupang lalawigan at/o lungsod. (silipin Acronym ng Pilipinas).

[baguhin] Heograpiya

Pangunahing artikulo: Heograpiya ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay tinatawag na Archipelago o Kapuluan na ang ibig sabihin ay binubuo ito ng maraming mga pulo. Binubuo ang bansang ito ng 7,107 na mga pulo, kung saan 7 ay tinaguriang mga 'Pangunahing Pulo'. May kabuuang sukat ang lupa nito na 300,000 km². Ang mga isla ay karaniwang nahahati sa tatlong grupo: Luzon (Rehiyon I hanggang V + NCR at CAR), Visayas (VI hanggang VIII), at Mindanao (IX hanggang XIII + ARMM). Ang abalang daungan ng Maynila, sa Luzon, ay ang kabisera ng bansa at ang pangalawang-pinakamalaking lungsod pagkatapos ng Lungsod Quezon. Ang pitong 'Pangunahing Pulo' sa bansa ay ang mga Isla ng Luzon, Mindanao, Palawan, Panay, Cebu, Samar at Bohol.

Ang lokal na klima ay mainit, maalinsangan, at tropikal. Ang kalimitang taunang temperatura ay nasa 26.5° Sentigrado. May tatlong panahon sa Pilipinas na pangkalahatang kinikilala ng mga Pilipino. Ito ay ang Tag-init o Tag-araw (mainit na panahon mula Marso hanggang Mayo), ang Tag-ulan (maulan na panahon mula Hunyo hanggang Nobyembre), at ang Taglamig (malamig na panahon mula Disyembre hanggang Pebrero).

Karamihan sa mga pulong mabundok ay dating natatakpan ng tropikal na kagubatan at itong mga islang ito ay nagmula sa bulkan. Ang pinakamataas na tuktok ay ang Bundok Apo sa Mindanao na may taas na 2,954 m. Maraming aktibong bulkan sa bansa tulad ng Bulkang Pinatubo. Ang bansa din ay nasa tinatawag na "typhoon belt" ng Kanlurang Pasipiko at ito ay tinatamaan ng mga 19 na bagyo bawat taon.

Ang Pilipinas ay napapaloob rin sa tinatawag na Ring of Fire na isa sa pinaka-aktibong fault areas sa buong mundo.

Silipin din Mga Ekorehiyon ng Pilipinas

[baguhin] Ekonomiya

Pangunahing artikulo: Ekonomiya ng Pilipinas

Noong 1998 ang ekonomiya ng Pilipinas — pinaghalong agrikultura, marahan na industriya, at mga serbisyong pansustento — ay nanghina dulot ng krisis pinansyal sa Asya at ng mahinang kondisyon ng lagay ng panahon. Ang pag-angat ay bumaba sa 0.6% noong 1998 mula 5% noong 1997, pero nakabawi hanggang sa 3% noong 1999 at 4% noong [2000]]. Nangako ang gobyerno na ipagpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya para makahabol ang bansa sa mga bagong nagsisipag-unlaran at industriyalisadong mga bansa sa Silangang Asya. Ang nagpapabagal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang ekonomiya ng bansa ay ang mismong utang nito (utang pampubliko na 77% ng GDP). Ang hinihinging badyet para sa pagbabayad ng utang ay higit na mas mataas pa sa badyet ng pinagsamang Kagawaran ng Edukasyon at Militar.

Ang stratehiyang pinaiiral ng gobyerno ay ang pagpapabuti sa imprastruktura, ang paglilinis sa sistemang tax o buwis para paigtingin ang kita ng gobyerno, ang deregulasyon at [[pagsasapribado] ng ekonomiya, at ang karagdagang pag-kalakal sa rehiyon o mas integrasyon. Ang pagasa ng ekonomiya sa ngayon ay nakadepende sa kaganapang pang-ekonomiya ng kanyang dalawang pangunahing sosyo sa kalakal, ang Estados Unidos at Hapon, at sa isang mas mabisang administrasyon at mas matibay na patakaran ng gobyerno.

[baguhin] Demograpiko

Mula sa artikulo: Demograpiko ng Pilipinas

Ayon sa istadistika ng pamahalaan ng Pilipinas at mga kasalukuyang datos ng senso, mga 95% ng populasyon ay etnikong Malay, mga ninuno ng mga imigranteng mula sa Peninsulang Malay at kapuluang Indonesya na dumating bago pa man ang panahong Kristyano. Ang pinakamahalagang maliit na Pangkat Etniko ay ang Tsino na mula pa noong ika-9 na siglo ay nangangalakal na sa Pilipinas. Ang mga mestizo, mga may halong lahi (Pilipino-Kastila, Pilipino-Tsino, Pilipino-Amerikano o Kastila-Tsino (Tornatra) ay bumubuo ng isang maliliit ngunit makapangyarihang minorya pag dating sa ekonomiya at pulitika. Mayroon ding maliliit na pamayanan ng mga dayuhan (tulad ng Kastila, Amerikano, Italyano, Portuges, Hapon, Silangang Indyan, at Arabo) at mga tribung Negrito na nakatira sa mga malalayong sityo at kabundukan.

Ang mga mamamayan ng Pilipinas ay tinatawag na "Pilipino". Sa buong panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang katagang "Filipino" ay tumutukoy lamang sa mga Kastila at minoryang mestizo. Subalit sa kalaunan, ang kahulugan nito ay napalitan para itukoy ang buong populasyon ng Pilipinas ng kahit anong lahi o etniko. Ang lokal na termino para sa Pilipino ay Pilipino o Pinoy (lalake), o Pilipina o Pinay (babae),

Sa usapan ng pagkakaroon ng mga pangkat etnitko, nangunguna ang Pilipinas sa bilang ng mga katutubo. Kalakhan ng populasyon ay nahahati sa walong pangunahing grupong Malay-Etniko, na sumatotal ay 95%. Ang pinakamalaking grupo ay ang mga Cebuano (24%), mga Tagalog(24%), at mga Ilocano (11%). Sumunod ang mga Pangasinense, Kapampangan, Hiligaynon o Ilongo, Waray-waray, at iba pang mga Bisaya. Subalit, bilang resulta ng kasalukuyang patakaran ng pamahalaan, ang bansa ay mas naging isa sa kultura sa mga nakaraang dekada.

Kasama ang mga grupong minorya ng kabundukan, mga dayuhan at mga etnikong Pilipinong Moro ng Mindanao sa natitirang 10 porsyento. Ang Aeta o ang Negrito na dating aktibo sa kapuluan ilang libong taon ang nakaraan, ay nagsipaglikas sa loob ng kagubatan at kabundukan. Ang kanilang kapalaran ay tulad din sa ibang grupong katutubo sa buong mundo tulad ng mga Aborigen ng Australya at ang mga Katutubong Amerikano. Marami sa kanila ay napasanib at napahalo sa mananakop na etnikong Malay-Pilipino o kaya'y napahiwalay bunga ng "systematic displacement" noon.

Kabilang sa mga Wikang Banyaga sa Pilipinas ay ang ; Ingles; Tsino (Mandarin, Hokyen at Kantones) sa mga myembro ng komunidad Tsino at Tsino-Pilipino, sa kanilang Chinatown at paaralan kung saan ang wika ng pagtuturo ay ang bilinggwal na Mandarin/English; Arabe sa mga myembro ng populasyong Muslim o Moro; at Espanyol, na wikang opisyal ng Pilipinas hanggang 1973 at ngayon ay ginagamit ng mababa sa 0.01% ng populasyon (2,658 tagapagsalita, Senso ng 1990). Gayunpaman, ang tanging nabubuhay na wikang kriolyong Asyatiko-Espanyol, ang Tsabakano, ay wika ng ilan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.

Mula 1939, sa pagsisikap na paigtingin ang pambansang pagkakaisa, pinalaganap ng pamahalaan ang pag-gamit ng opisyal na pambansang wika, ang Filipino, na de facto na batay sa Tagalog. Tinuturo ang Filipino sa lahat ng paaralan at unti-unting tinatanggap ng populasyon bilang pangalawang wika. Ang Ingles naman ay ginagamit bilang pangalawang wikang opisyal at kadalasang maririnig sa talakayan ng pamahalaan, edukasyon at negosyo.

Silipin din:

[baguhin] Kultura

Pangunahing artikulo: Kultura ng Pilipinas

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang identitad pangkultura ang nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga dialekto nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa identidad.

Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga misyonerong Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng bilinggwal na uri, ang mga ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na sinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang mga panitikang sekular (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-rehiyon para sa mga analfabetong mayoriya (di nakakabasa o nakakasulat). Nasulat din ang mga ito sa alpabetong Romano ng mga prinsipal na wika at kumalat.

Sa karagdagan, ang literatura o panitikang klasikal (Jose Rizal, Pedro Paterno at mga dokumento ng kasaysayan (pambansang awit, Constitución Política de Malolos), ay naisulat sa Espanyol, na hindi na opisyal na wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946.

Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng isla ng Mactan ang unang pumigil sa agresyong kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes. Si Jose Rizal (ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo, 1896 sa bayan ng Calamba, Laguna), ipinagmamalaki ng Lahing Malay, Pambansang Bayani ng Pilipinas, sinaulo ang 22 mga wika: Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones, Latin, Malay, Portuges, Ruso, Sanskrito, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong diyalekto; siya ay naging isang arkitekto, artista, negosyante, karikaturista, guro, ekonomista, etnolohista, siyentipikong magsasaka, historiador, imbentor, peryodista, dalubhasa sa wika, musikero, mitolohista, nasyonalista, naturalista, nobelista, siruhano sa mata, makata, propagandista, sikologo, syentipiko, manlililok, sosyolohista, at teolohiko. Ang unang Asyatikong Kalihim-Heneral ng Asamblea Heneral ng Mga nagkakaisang Bansa (UN) ay isang Pilipino - si Carlos Peña Romulo.

Itinuturing na Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Sites) ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabilang sana dito ang Intramuros ngunit nawasak ito matapos and Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Site) ang "Hagdang-hagdang Palayan" o Pay-yo ng Cordillera, na kinikilala ring pang-walong nakakahangang-yaman ng mundo.

[baguhin] Silipin din

[baguhin] Mga Kinasasapian

Kasapi ang Pilipinas sa mga sumusunod:

  • Bangkong Pangkaunlaran sa Asya (ADB)
  • Kooperasyong Pang-ekonomiko sa Asya-Pasipiko (APEC)
  • Asosyasyon ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (ASEAN)
  • Unyong Latino
  • Mga Bansang Nagkakaisa (UN)
  • Non-Aligned Movement

Silipin din:

  • Ugnayang panlabas ng Pilipinas

[baguhin] Mga palabas na kawing

[baguhin] Mga pahinang opisyal

[baguhin] Kasaysayan

[baguhin] Mga pahinang pambalita

[baguhin] Ibang pang mga pahina

Pilipinas
Kabisera Maynila | Pambansang Punong Rehiyon
Mga Lalawigan Abra | Agusan del Norte | Agusan del Sur | Aklan | Albay | Antique | Apayao | Aurora | Basilan | Bataan | Batanes | Batangas | Benguet | Biliran | Bohol | Bukidnon | Bulacan | Cagayan | Camarines Norte | Camarines Sur | Camiguin | Capiz | Catanduanes | Cavite | Cebu | Compostela Valley | Cotabato | Davao del Norte | Davao del Sur | Davao Oriental | Dinagat Islands | Eastern Samar | Guimaras | Ifugao | Ilocos Norte | Ilocos Sur | Iloilo | Isabela | Kalinga | La Union | Laguna | Lanao del Norte | Lanao del Sur | Leyte | Maguindanao | Marinduque | Masbate | Misamis Occidental | Misamis Oriental | Mountain Province | Negros Occidental | Negros Oriental | Northern Samar | Nueva Ecija | Nueva Vizcaya | Occidental Mindoro | Oriental Mindoro | Palawan | Pampanga | Pangasinan | Quezon | Quirino | Rizal | Romblon | Samar | Sarangani | Shariff Kabunsuan | Siquijor | Sorsogon | South Cotabato | Southern Leyte | Sultan Kudarat | Sulu | Surigao del Norte | Surigao del Sur | Tarlac | Tawi-Tawi | Zambales | Zamboanga del Norte | Zamboanga del Sur | Zamboanga Sibugay
Iba pang
subdibisyon
Rehiyon | Lungsod | Bayan (Munisipalidad) | Barangays | Distritong pambatas
Pinagtatalunang
Teritoryo
Sabah | Scarborough Shoal | Spratly Islands


Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ASEAN flag
Brunei | Cambodia | Indonesia | Laos | Malaysia | Myanmar | Pilipinas | Singapore | Thailand | Việtnam | Papua Bagong Ginea (Tagamasid)


Mga bansa sa Timog-silangang Asya
Brunei | Cambodia | East Timor | Indonesia | Laos | Malaysia | Myanmar | The Philippines | Singapore | Thailand | Vietnam


Unyong Latino

Angola | Argentina (Arhentina) | Bolivia | Brazil | Cape Verde | Chile | Colombia | Côte d’Ivoire | Costa Rica | Cuba | Dominican Republic | Ecuador | France (Pransya) | Guiné-Bissau | Guatemala | Haïti | Honduras | Italy (Italya) | Mexico (Mehiko) | Moldova | Monaco | Mozambique | Nikaragwa | Panama | Paraguay | Peru | Philippines (Pilipinas) | Portugal | România | San Marino | São Tomé at Príncipe | Sénégal | Spain (Espanya) | Timor-Leste (Silangang Timor) | Uruguay | Vatican | Venezuela

Static Wikipedia (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2007 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2006 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu

Static Wikipedia February 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu