Aristoteles
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Aristotélis (sulat Griyego: Αριστοτέλης; Latin: Aristoteles) (384 BCE–Marso 7, 322 BCE) ay isang Gryegong pilosopo. Isa siyang mag-aaral ni Plato at ang guro ni Dakilang Alexander. Kasama ni Plato, itinuturing siya na pinakamaipluwensyang pilosopo sa kaisipang Kanluranin. Nagsulat siya ng mga maraming aklat sa physics, panulaan, zoology, lohika, pamahalaan, at biology. Kilala rin siya bilang isa sa mga iilang tauhan sa kasaysayan na inaral ang lahat ng posibleng paksa sa kaniyang panahon. Sa agham, inaral ni Aristotélis ang anatomiya, astronomiya, embryology, heograpiya, geology, meteorology, physics, at zoology. Sa pilosopiya, nagsulat siya sa estetika, ekonomiks, etika, pamahalaan, metaphysics, politika, sikolohiya, sayusay, at teolohiya. Naging paksa niya rin ang edukasyon, mga banyagang kaugalian, panitikan, at panulaan. Masasabing bumubuo ang kaniyang mga pinagsamang mga akda ng isang encyclopedia ng sinaunang Gryegong kaalaman.