Celia Rodriguez
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mga nilalaman |
[baguhin] Talambuhay
Sosyal, Matangkad (5'7") at Mataray. Si Celia ay unag nakitang gumanap sa mga pelikula ng Premiere Production noong huling dekada 50s. Isa siya sa mga pinaka-sopistikadang aktres na nakilala ng sambayanang Pilipino. Isa din siya sa mga bituing naniniwala na dapat ay laging nagdadamit ang isang artista na parang isang artista, at hanggang sa huli, kilala pa rin si Celia Rodriguez bilang isa sa mga pinakaglamorosang aktres sa kasaysayan.
Hasa sa Ingles, Kastila, at Tagalog, hindi lamang kakaibang gand aat alindog ang inihandog ni Celia Rodriguez sa madla kundi pati na rin ang kanyang natatanging talento sa pagganap. Siya ay nanalo na ng apat na FAMAS Awards: isa bilang pinakamahusay na aktres ng 1971 para sa pelikulang Lilet at tatlo pa bilang pinakamahusay ng pangalawang aktres ng 1964 {Kulay Dugo ang Gabi), 1966 (The Passionate Strangers) at 2003 (Magnifico).
[baguhin] Tunay na Pangalan
Maria Cecilia Rodriguez
[baguhin] Kapanganakan
[baguhin] Lugar ng Kapanganakan
Irosin, Sorsogon
[baguhin] Pelikula
- 1972 - Lilet
- 1973 - Kampanerang Kuba