Digmaang Malamig
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Digmaang Malamig (Cold War sa Ingles) ang lantaran ngunit mapagpigil na labanan na nagdevelop pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng Estados Unidos at ng mga kaalyado nito at ng Unyong Sobyet at ng mga kaalyado nito. Pinatanyag ang katawagang Cold War ng tagapayong pampolitika at financier na Amerikanong si Bernard Baruch sa isang debate noong Abril 1947 tungkol sa Truman Doctrine.