DZBB
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Super Radyo DZBB | |
City of license | Lungsod Quezon |
---|---|
Lugar ng pagsasahimpapawid | Kalakhang Maynila |
Branding | Super Radyo DZBB |
Unang sumahimpapawid | Hunyo 14, 1950 |
Frequency | 594 kHz |
Format | balita and serbisyo publiko |
Power | 50,000 watts |
Kahulugan ng callsign | DZ Bisig Bayan |
Owner | GMA Network |
Webcast | http://www.gmanews.tv |
Ang DZBB (594 kHz Kalakhang Maynila) "Super Radyo" ay ang pangunahing himpilan ng radyo sa AM ng GMA Network sa Pilipinas. Ang kanilang studio ay matatagpuan sa GMA Network sa Lungsod Quezon, samantalang ang kanilang transmitter ay matatagpuan sa Obando, Bulacan.
Sa kasalukuyan, DZBB ay isa sa mga nangungunang himpilan sa AM band sa Kalakhang Maynila at isa sa mga pinakapinaparangalang himpilan ng radyo sa Pilipinas.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kasaysayan
Itinatag ang DZBB noong Hunyo 14, 1950 ni Robert "Uncle Bob" Stewart, sa isang maliit na silid tanggapan sa Gusaling Calvo, Escolta, Maynila, gamit ang mga lumang kagamitan at isang lumang transmitter. Kahit na kulang sila sa bagong kagamitan, ang himpilan ay nakapuntos ng mga karangalan dahil sa kanilang pagsasahimpapawid sa mga balita, mga eksklusibo at blow-by-blow na pagtutok sa mga mahahalagang pangyayari sa bansa. Sila rin ang gumawa ng mga programang tumatak sa industriya tulad ng Camay Theater of the Air, Tawag ng Tanghalan, Newscoop, Kwentong Kutsero at iba pa. Ang iba rito ay nasahimpapawid sa telebisyon.
Dahil sa pagiging matagumpay ng DZBB, napagpasyahan ni Bob Stewart na subukan ang telebisyon noong Oktubre 23, 1961 bilang RBS DZBB-TV Channel 7 (Ngayo'y kilala na sa pangalang GMA-7 Manila). Ang channel 7 at ang DZBB ay naipagbili sa grupo nina Gilberto Duavit, Sr., Menandro Jimenez and Felipe Gozon noong 1974.
Noong huling bahagi ng Dekada 80 at unang bahagi ng Dekada 90, ang himpilan ay nakilala bilang "Radyo Bisig Bayan". Dahil dito mas naging kilala ang himpilan sa mga tagapagkinig ng radyo sa Kalakhang Maynila.
Noong 1999, binago nila ang pangalan ng himpilan bilang "Super Radyo" at karamihan ng kanilang mga palatuntunan ay tungkol sa mga balita at kasalukuyang pangyayari sa bansa.
[baguhin] Mga palabas
Ang karamihan ng mga palatuntunan ng DZBB ay tungkol sa balita, mga kasalukuyang isyu at pagsusuri sa mga ito. Ang kanilang mga programa sa umaga ay tinatampukan ng mga kilalang mamamahayag sa telebisyon. Ang mga sikat na programa nila ay kinabibilangan ng "Saksi sa Dobol B" ni Mike Enriquez at "Dobol A sa Dobol B", nina Arnold Clavio at Ali Sotto. Ang programa ni Mike Enriquez ay nagmula sa Saksi, isang balitaan sa telebisyon ng GMA Network na dati niyang tinatampukan.
Ang himpilang ito ay may balitaan na pinamagatang "Super Balita", at ito ay sumasahimpapawid ng tatlong beses kada araw; umaga (sumasahimpapawid sa lahat ng himpilan ng Super Radyo sa Pilipinas), hapon and gabi. Isinasa-ere din nila ang mga programa ng GMA Network at Q (network pangtelebisyon) tulad ng 24 Oras, ang pangunahing balitaan ng GMA.
[baguhin] Mga personalidad ng radyo
- Arnold Clavio
- Rose Clores
- Mike Enriquez
- Manolo Favis
- Jimmy Gil
- Fernan Gulapa
- German Moreno
- Henry Jones Ragas
- Joel Reyes Zobel
- Ali Sotto
- Rene Sta. Cruz
- Orly Trinidad
[baguhin] Mga palatuntunan ng DZBB
- Bangon na Bayan
- Big Time Balita
- Buena Manong Balita
- Dis is Manolo
- Dobol A sa Dobol B
- Jimmy Gil Live
- Mister Cariñoso
- Master Showman
- Metro Balita
- MMDA sa GMA
- Saksi sa Dobol B
- Sunday Guwapo
- Super Balita sa Umaga Nationwide
- Super Kalusugan
- Super Kuyang
- Super Kwentuhan
- Umaga Na, Balita Na
[baguhin] Mga programang pangtelebisyon na sinasahimpapawid sa DZBB
[baguhin] Mga himpilan ng Super Radyo sa Pilipinas
- Tignan: Mga himpilan ng Super Radyo
[baguhin] Mga kaugnay na artikulo
- GMA Network
- 97.1 Barangay LS
[baguhin] Sanggunian
By frequency | 558 | 594 | 630 | 666 | 702 | 738 | 774 | 810 | 846 | 882 | 918 | 954 | 990 | 1026 | 1062 | 1098 | 1134 | 1170 | 1206 | 1242 | 1278 | 1314 | 1350 | 1422 | 1494 | 1530 | 1566 | 1602 | 1638 | 1674 |
---|---|
By callsign |
DWAD | DWAN | DWBC | DWBL | DWDD | DWGI | DWIZ | DWRT | DWSS | DWWW | DWXI | DZAR | DZAS | DZBB | DZBF | DZCA | DZEC | DZEM | DZHH | DZME | DZMM | DZRB | DZRH | DZRJ | DZRM | DZRV | DZSR | DZUP | DZXL | DZXQ | |