El Nido, Palawan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Palawan na nagpapakita sa lokasyon ng El Nido. | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | |
Lalawigan | |
Distrito | |
Mga barangay | 18 |
Kaurian ng kita: | |
Alkalde | |
Mga pisikal na katangian | |
Populasyon
Kabuuan (2000) |
27,029 |
Ang Bayan ng El Nido ay isang bayan at marine reserve park sa lalawigan ng Palawan, Pilipinas. Ito ay may 420 kilometrong layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ayon sa senso noong 2000, nagtala ito ng 27,029 na populasyon sa 5,191 na kabahayan. 85% ng mga tao dito ay naninirahan sa mga bukirin, samantalang 15% na nalalabi ay makikita sa Poblacion (town proper).
Ang bayan ay makikita sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Palawan. Ito ay binubuo ng 45 na mga pulo na may iba't ibang itsura at porma. Katulad ng kabuuang Palawan, ang El Nido ay kabilang sa Eurasian Plate, isang plate na hiwalay sa Philippine Plate na siyang kinabibilangan ng kabuuang bansa. Ang mga limestone cliffs na matatagpuan dito ay katulad ng mga matatagpuan sa Ha Long Bay sa Vietnam at Guillin sa Tsina, na parehas na bahagi ng Eurasian Plate.
[baguhin] Pamahalaan
Noong panahon ng mga Espanyol, ang El Nido ay parte ng Probinsya ng Castilla, kung saan ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Taytay. Ngunit noong 1916 ito ay inihiwalay sa munisipyo ng Taytay at naging isang malayang bayan.
Ang El Nido ay nahahati sa 18 na barangay:
|
|