Itanong Mo kay Soriano
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Itanong Mo kay Soriano, Biblia ang Sasagot ay isang kontrobersiyal at kilalang programa sa telebisyon na ipinalalabas sa Pilipinas na pinangungunahan ni Eli Soriano (mas kilala bilang Brother Eli), host ng isa pa ring kontrobersyal na programang Ang Dating Daan. Pinabalabas ito araw-araw sa UNTV-37 at sa TOP Channel, at napapakinggan naman ito sa istasyong RMN, 100 Radyo Natin at DZRH sa radyo.
[baguhin] Estilo ng programa
Tampok ng programa at hamon ng tagapanguna nito na si Brother Eli, ang pagsagot sa lahat ng uri ng katanungan maging espirituwal, pangkaligtasan, pangkalusugan, panlipunan, sikolohikal, at marami pang iba na gamit ang Biblia.
[baguhin] Taon sa telebisyon
Mahigit nang isang taon bilang programa at mahigit nang 15 taon bilang isang segment o bahagi ng programang Ang Dating Daan. Kadalasang inaabangan ng mga tao kapag itinatampok ang grupong Members Church of God International ng Worldwide Bible Expositions.