Johannes Kepler
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Johannes Kepler (Disyembre 27, 1571 – Nobyembre 15, 1630), isang mahalagang tao sa rebolusyong maka-agham, ay isang Alemang matematiko, astrologo, astronomo, at isa sa mga unang manunulat ng mga kuwentong gawa-gawang agham. Kilala siya sa kanyang mga batas ng paggalaw ng mga planeta, batay sa kanyang mga gawa na Astronomia nova, Harmonice Mundi at ang tekstong aklat na Epitome of Copernican Astronomy.