Matematika
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang matematika o sipnayan ay karaniwang nangangahulugan na pag-aaral ng mga modelo ng kayarian, pagbabago, at espasyo. Maaari ring sabihin na pag-aaral ng mga pigura at bilang ang matematika sa impormal na salita. Sa pananaw ng formalist, ito ang paggamit ng symbolic logic at mathematical notation sa pag-imbestiga ng mga abstract structure na di nangangailangan ng patunay o dahilan. Isinasalaysay sa Pilosopiya ng matematika ang ibang pananaw. Ang matematika ay maaring makita bilang payak na ekstensyon ng wika na binigbikas at sinusulat, kasama ang pinakatumpak na kahulugan ng talasalitaan at balarila, para sa layunin ng pagsasalarawan at pagtuklas ng mga relasyong pisikal at pangkaisipan.