Kalakhang Cebu
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Kalakhang Cebu o Kalakhang Sugbo (Inggles: Cebu Metropolitan Area o simpleng Metro Cebu) ay ang pangunahing sentrong urbano ng lalawigan ng Cebu sa Pilipinas. Ang lungsod ng Cebu, ang pinakasinaunang paninirahang Kastila sa bansa, ang sentro nito. Matatagpuan ang Kalakhang Cebu sa silangang bahagi ng pulo ng Cebu kasama ang kalapit na pulo ng Mactan. Kumakatawan ito ng 20% ng panlupang lawak at 57.5% ng populasyon (ayon sa sensus ng 2000) ng buong lalawigan ng Cebu. Ang Kalakhang Cebu ay isa sa dalawang opisyal na takdang kalakhan sa bansa; ang Kalakhang Maynila ang iyong isa pa.