Lungsod ng Isabela
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang lungsod ng Isabela ay isang 5th-class na lungsod at ang punong-lungsod ng lalawigan ng Basilan, Pilipinas. Matatagpuan ang lungsod sa hilagang baybayin ng Basilan. Sa kabila ng Kipot ng Basilan sa hilaga ay ang lungsod ng Zamboanga. Ayon sa sensus ng 2000, may populasyon ang Isabela ng 73 032 sa 13,753 sambahayan.
Habang pinangangasiwaan ang lalawigan ng Basilan bilang bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang mismong lungsod ng Isabela ay hindi bahagi ng rehiyong ito; sa halip, pinangangasiwaan ito sa ilalim ng Zamboanga Peninsula Region.