Nadine Samonte
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Nadine Samonte | |
Tunay na pangalan: | Nadine Burgos Eidloth |
Petsa ng kapanganakan: | Marso 2, 1988 |
Pook ng kapanganakan: | Rosenheim, Germany |
---|---|
Kilalang pagganap: | contestant sa StarStruck |
Si Nadine Samonte (totoong pangalan: Nadine Burgos Eidloth) ay isang aktres na Filipina. Ipinanganak siya sa Rosenheim, Germany noong Marso 2, 1988.
Mga nilalaman |
[baguhin] Talambuhay
Si Nadine Samonte ay anak nina Frank Eidloth, isang Aleman at Edjenta Burgos, isang Filipina. Nagsimula si Nadine sa ABS-CBN Talent Center noong 14 na taong gulang siya. Ngunit naging sikat siya sa programang pampaligsahan ng GMA Network na StarStruck na ginanap noong 2003. Matapos ang programang ito ay gumanap si Nadine sa Love to Love at di kalaunan ay gumanap din siya sa Ikaw sa Puso na kung saan una niyang nakatambal niya si Oyo Boy Sotto, anak ng batikang komedyante at mang-aawit na si Vic Sotto.
Muling nagkatambalan sina Nadine at Oyo Boy sa pelikulang Forever My Love at ang programang pantelebisyon na Leya: Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa na gawa ng TAPE Inc. Noong 2004, ginawaran si Nadine ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ng gawad bilang "Most Promising Actress".
Panandaliang tumigil si Nadine sa paggagnap sa pelikula at telebisyon. Matapos niyang mamahinga ay gumanap si Nadine sa mga programang pantelebisyon na Now and Foverever: Ganti at Etheria. Gumanap rin siya sa mga pelikulang Hari ng Sablay at Lagot Ka Sa Kuya Ko. Mapapanood ngayon si Nadine Samonte sa dramang pantelebisyon na Bakekang.
[baguhin] Mga Ginanapang Palabas
[baguhin] Telebisyon
- Super Twins[1]
- Bakekang (TV)
- My Guardian Abby
- Etheria
- Darna
- Now and Forever: Ganti
- Leya: Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa
- Ikaw sa Puso Ko
- Love to Love (Season 3)
- SOP Gigsters
- Stage 1: LIVE!
- Stage 1: Starstruck Playhouse
- StarStruck
[baguhin] Pelikula
- Pitong Dalagita (2006)
- Isusumbong Kita sa Kuya Ko (2006)
- Say That You Love Me (2005)
- Hari ng Sablay (pelikula) (2005)
- Happily Ever After (2005)
- Enteng Kabisote: Okay ka fairy, the legend (2004)
- Forever My Love (2004)
- Kilig... Pintig... Yanig... (2004)
[baguhin] Mga Parangal
- Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awardee (2004) - "Most Promising Female Actress"
[baguhin] Trivia
- Ang tagapangasiwa ni Nadine na si Jeffrey Gamil ang nagbigay sa kanya ng pangalang "Samonte".
[baguhin] Mga Pahinang Pagsangguni
[baguhin] Mga panlabas na lingk
- Nadine Samonte sa The Internet Movie Database
- Nadine Samonte sa GMA Network website