Pahayagan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang pahayagan, d(i)yar(i)yo, o per(i)yodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasang itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.
Ang kauna-unahang naimprentang perydiko ay inilathala noong 1605, at nakikipagsabayan pa rin kahit umusbong na ang mga bagong teknolohiya tulad ng radyo, telebisyon, at ang internet. Dahil sa mga bagong pag-papaunlad sa internet, nagkaroon ng pagsubok sa industriya ng mga peryodiko. Bumaba ang sirkulasyon nito sa mga bansa, kaya't ang iba ay lumilipat mula imprenta patungo sa internet online, na nagdulot ng pagbaba ng kita sa mga peryodiko. May mga lumalabas ng mga prediksyon na baka lumiit o mawala na ang halaga nito, ngunit batay sa kasaysayan, hindi nalagpasan ng mga bagong teknolohiya tulad ng radyo at telebisyon ang mga nakalimbag na media.
[baguhin] Nilalaman
Pangkalahatan ang nilalaman nito. Kadalasang mga pangkasalukuyang mga balita ang nakalimbag. Maaaring ito ay mga pangyayari sa pulitika, krimen, kalakalan, kultura, palakasan, at mga opinyon (alinman sa editoryal, kolum o cartoong pulitikal). Ang mga Peryodiko ay kadalasang gumagamit ng mga larawan upang ipakita ang mga kwento.
Ang iba pang maaaring ilagay sa peryodiko/pahayagan ay:
- Ulat Panahon
- Kolum ng Pagpapayo
- Mga tala ng mga palabas sa sinehan at teatro, restoran etc.
- Editoryal
- Mga balitang ShowBiz
- Mga puzzle, krosword, at mga horoscope
- Pampalakasan
- Mga Jokes at katatawanan
[baguhin] Listahan mga mga Peryodiko sa Pilipinas
- Abante Tonite [1]
- Abante Una Sa Balita [2]
- Balita Pinoy [3][ 21:25, 29 September 2006 (UTC)
- Bohol Bantay Balita [4]
- Bohol Chronicle [5]
- Bohol Sunday Post [6]
- Bohol Times [7]
- Business Mirror [8]
- BusinessWorld [9]
- Cebu Daily News [10]
- Chinese Commercial News [11]
- The Daily Tribune [12]
- The Filipino Express Online [13]
- Kabayan Online [14]
- Malaya [15]
- Manila Bulletin [16]
- Manila Times [17]
- Mindanao Gold Star Daily [18]
- Mindanao Times [19]
- Moro Information Agency [20]
- Newsline [21]
- Philippine Daily Inquirer [22]
- Philippine Headline News [23]
- Philippine News [24]
- Philippine Star [25]
- Sunday Punch [26]
- Sunstar Daily [27]
- Tempo [28]
- The Freeman [29]
- Today [30]
- Visayan Daily Star [31]