Philippine Daily Inquirer
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Philippine Daily Inquirer, mas kilala bilang Inquirer, ay isa sa mga pinakakilalang pahayagan sa Pilipinas. Mayroon itong sirkulasyon na 260,000 na kopya bawat araw at tinatantsang 1.516 milyon na magbabasa nooong 2005
[baguhin] Kasaysayan
Nagsimula ang Philippine Daily Inquirer noong Disyembre 9, 1985, sa mga huling araw ng panunungkulan ni Ferdinand Marcos. Nagsimula ito sa puhunang isang milyong piso at nagkaroon ng sirkulasyon ng 30,000 na kopya bawag araw. Ang pahayagang ito ay naging mahalaga sa pagtatala ng kampanya ni Corazon Aquino noong pampanguluang eleksyon noong 1986 at sa EDSA revolution.